Philosophy Vision Mission Blog Rules FeedBack

Monday, November 07, 2005

Joke 2: THE DAN BALIKBAYAN STORY

Ang Kasaysayan ni Dan - Ang Bicolanong Balikbayan

Dumating si Dan sa Amerika galing sa Bicol sa tulong ng kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles kaya masyado siyang maingat. Sa makatuwid, TNT muna siya pansamantala.

Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan na hindi kasama ang kanyang kumpare. Eh minsan nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.

"Pareng Dan", sabi ni kumpareng tinatago ang inis. "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards.Magshopping ka naman sa mall para malibang ka. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako sa telepono. Papasok na ako sa upisina."

Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbyos na nerbyos siya, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si Dan sa
pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan.

Tanong ng cashier "Visa or master card".

Karipas si Dan palabas dahil sa takot ! "Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Shet !"

Sakay kaagad siya sa kotse. Harurot! Kaso, halos wala ng gasolina ang sasakyan kaya huminto siya sa isang
gas station. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker:

"Sir, pay first please."

"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko! Shet naman talaga !"

Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit
sa pay phone.(Hingal).

"Kailangan matawagan ko si kumnpare para masundo niya ako rito."(Hingal).

Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya: "AT & T, may I help you?"

"Aba, anak ng putakti, alam na TNT ako! Buking na ako!"

Pagbaba niya ng telepono, may Americanong natakatayo sa likod niya, naghihintay upang gumamit ng telepono,
tanong ba naman kay Dan:

"Are you done?"

Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Double shet! Alam pa ang pangalan ko. "

Nagulat ang Kano. "Hey, be cool man!"

"Naku! Alam pa kung tagasaan ako..."

Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na
--- Dan Balikbayan.


contributed by ALVIS

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

To View Pics from CATNET Group, CLICK Badge below VIGA_FLICKR_BADGE
Contents © 2005 Viganon Online. All rights reserved. Best viewed in 800x600 Resolution.
Get Firefox!